From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pambobomba sa Lower Dir noong Pebrero 2010 ay isang pambobomba sa lugar ng Distrito ng Lower Dir sa Pakistan noong Pebrero 3, 2010.[2] Hindi bababa sa walong katao kasama na ang tatlong sundalong Amerikano ang namatay, ang kauna-unahang Amerikanong biktima sa loob ng Pakistan.[1] Kasama rin sa nasugatan ang pitumpong katao kung saan 63 dito ay mga mag-aarala na babae.[2] Naglalakbay ang mga sundalo sa isang komboy at patungo sa pagpapasinaya ng paaralan para sa mga babae. Ang bomba na pinasabog sa pamamagitan ng remote ay sumabog malapit sa isa pang paaralan ng mga babae sa nayon ng Koto na nadaraanan. Gumuho ang Koto Girls High School na nag-iwan sa mga babae na umiiyak sa ilalim ng mga guho.[2] Ang mga sundalong Amerikano ay nandoon para sa pagsasanay sa Frontier Corps ng Pakistan.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.