Pamantasang Haring Saud
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamantasang Haring Saud (Ingles: Kung Saud University, KSU, Arabe: جامعة الملك سعود) ay isang pampublikong unibersidad sa Riyadh, Saudi Arabia, na itinatag noong 1957 sa pamamagitan ng King Saud bin Abdulaziz bilang Unibersidad ng Riyadh (Ingles: Riyadh University), bilang ang kauna-unahang unibersidad sa Kaharian.[1] Ang mga unibersidad na ito ay nilikha upang matugunan ang kakulangan ng bihasang manggagawa sa Saudi Arabia. Ito ay pinalitan ng pangalan sa kasalukuyan nitong ginagamit noong 1982.[2]
Ang KSU ngayon ay binubuo ng 40,000 lalaki at babaeng mag-aaral, 7% dito ay mga international students.[3] Ang mga babaeng mag-aaral ay may sariling panel na pandisiplina,[4] at merong isang sentro na nangangasiwa sa kaunlaran ng mga babaeng mag-aaral, na pinangangasiwaan ng mga babaeng miyembro ng fakultad o sa pamamagitan ng mga lalaking miyembro ng fakultad sa pamamagitan ng isang closed television network.[5] Ang mga unibersidad ay nag-aalok ng mga kurso sa natural na agham, humanidades, at propesyonal na pag-aaral, at maraming mga kurso ay libre.[6] Ang midyum ng pagtuturo sa mga undergraduate na programa ay Ingles at Arabe depende sa napiling meyjor. Kinikilala ang mga programang medikal ng unibersidad sa mundong Arabo.