![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/59/WSU_Thompson_hall.jpg/640px-WSU_Thompson_hall.jpg&w=640&q=50)
Pamantasang Estatal ng Washington
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pamantasang Estatal ng Washington (WSU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Pullman, Washington, sa rehiyong Palouse sa hilagang-kanluran ng Estados Unidos. Meron itong mga sangay na kampus sa iba't ibang panig ng estado ng Washington.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/59/WSU_Thompson_hall.jpg/640px-WSU_Thompson_hall.jpg)
Itinatag noong 1890, ang WSU (kolokyal: "Wazzu") ay isang land-grant na unibersidad na may programa sa malawak na hanay ng mga akademikong disiplina.[1] Ito ay nararanggo sa tuktok na 140 unibersidad sa bansa na may mataas na aktibidad ng pananaliksik, ayon sa US News & World Report.[2] Meron itong pagpapatala sa antas undergraduate na humigit-kumulang 24,000 mag-aaral at kabuuang pagpapatalang 30,000. Ito ang pangalawang pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa estado ng Washington kasunod ng Unibersidad ng Washington.[3]