![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d3/Buckingham_Palace_aerial_view_2016_%2528cropped%2529.jpg/640px-Buckingham_Palace_aerial_view_2016_%2528cropped%2529.jpg&w=640&q=50)
Palasyo ng Buckingham
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palasyo ng Buckingham (Ingles: Buckingham Palace NK /ˈbʌkɪŋəm/)[1] ay ang opisyal na tirahan at administratibong punong-tanggapan sa London ng monarko ng Reyno Unido.[lower-alpha 1][2] Matatagpuan sa Lungsod ng Westminster, kadalasang sentro ang palasyo ng mga okasyon ng estado at makaharing hospitalidad. Naging sentrong lugar ito para sa mga Britaniko sa mga panahon ng kasayahan at pagluluksa.
![Tanaw mula sa himpapwid ng palasyo na may maraming tao sa labas na ipinagdiriwang ang opisyal na ika-90 kaarawan ni Elizabeth II](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d3/Buckingham_Palace_aerial_view_2016_%28cropped%29.jpg/640px-Buckingham_Palace_aerial_view_2016_%28cropped%29.jpg)
Orihinal na kilala bilang Buckingham House (o Bahay Buckingham), ang gusali sa pusod ng palasyo ngayon ay isang malaking bahay-bayan (o townhouse) na itinayo para sa Duke ng Buckingham noong 1703 sa isang lugar na nasa pribadong pagmamay-ari sa hindi bababa ng 150 taon. Nakuha ito ni Haring George III noong 1761 bilang isang pribadong tirahan para kay Reyna Charlotte at naging kilala bilang The Queen's House (o Ang Bahay ng Renya). Noong ika-19 na dantaon, pinalaki ito ng mga arkitekto na sina John Nash at Edward Blore, na itinayo ang tatlong wing o nakakabit na gusali sa palibot ng gitnang patyo. Naging tirahan sa London ng monarkong Britaniko ang Palasyo ng Buckingham noong naluklok si Reyna Victoria noong 1837.