Palabatasan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang hurisprudensiya o palabatasan ay ang teoriya, pilosopiya, kaisipan, o diwa ng mga batas.[1] Ang mga dalubhasa sa palabatasan ay umaasang makakamit ng mas malalim na pag-unawa sa kalikasan ng batas, ng pangangatuwirang legal, mga sistemang legal, at ng mga institusyong legal. May tatlong pangunahing aspeto ang palabatasan: ang batas na likas, ang hurisprudensiyang analitiko (palabatasang mapanuri), at ang hurisprudensiyang normatibo (palabatasang makapamantayan). Ang makabagong palabatasan o modernong hurisprudensiya ay nagsimula noong ika-18 daangtaon at nakatuon sa unang mga prinsipyo ng likas na batas, ng batas na sibil, at ng batas ng mga bansa (batas ng mga nasyon).[2]
![]() | Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Disyembre 2013) |