Pagsamba sa simbahan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagsamba sa simbahan ay pinormalisang panahon ng sama-samang pagsamba, kadalasan sa loob ng simbahan. Karaniwan itong ginaganap sa Linggo, o Sabado para sa mga Sabadista. Sa samba, nagtitipun-tipon ang mga Kristiyano para maturuan ng "Salita ng Diyos" (ang Bibliya) at mapasigla ang kanilang pananampalataya. Sa totoo lang, tumutukoy ang "simbahan" sa "pagsamba sa simbahan" sa pagtitipon ng mga mananampalataya sa halip ng simbahan na pinagsasambahan. Sa karamihan ng mga tradisyong Kristiyano, namumuno sa pagsamba ang klero hangga't maaari.
Magkakaiba ang mga istlo ng pagsamba: may mga tradisyon ng liturhikal na pagsamba tulad sa Anglikanismo, Ortodokso ng Silangan, Ortodoksiyang Oriental, Presbiteryanismo, Katoliko Romano, at Luteranismo at mga istlong ebanghelika ng mga Protestante, kung saan karaniwang sinasamahan ang pagsamba ng pagtuturo para sa naniniwala, at maaaring magkaroon ng bahaging pang-ebanghelyo para sa mga di-Kristiyano at mga nagdududa sa kongregasyon. Ang mga Quaker at ilan pang mga grupo ay walang pormal na balangkas sa kanilang mga serbisyo, ngunit pinapayagang mabuo habang ang mga kalahok na naroroon ay nakadarama.
Nagdadaraos ang karamihan ng mga denominasyon sa Kristiyanismo ng pagsasamba sa Araw ng Panginoon (at marami rito ay may samba sa umaga at gabi ng Linggo); may mga ibang tradisyon na may samba rin sa gitna ng linggo.[upper-alpha 1][2] Sa ilang mga denominasyon ng Kristiyanismo, mayroong samba araw-araw, kabing dito ang pagdarasal sa mga kanonikal na oras, pati na rin ang paghahandog sa Misa, at iba pang anyo ng pagsasamba.[3] Bukod dito, dumadalo ang maraming Kristiyano sa mga pagsasamba sa banal na araw katulad ng Pasko, Miyerkules ng Abo, Biyernes Santo, Huwebes Santo, at marami pang iba depende sa denominasyon sa Kristiyanismo.[4]