Pagodang Shwedagon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pagodang Shwedagon (Mon: ကျာ်ဒဂုင်; Birmano: ရွှေတိဂုံဘုရား; MLCTS: hrwe ti. gum bhu. ra:, IPA: [ʃwèdəɡòʊɰ̃ pʰəjá]), opisyal na pinangalang Shwedagon Zedi Daw (Birmano: ရွှေတိဂုံစေတီတော်, [ʃwèdəɡòʊɰ̃ zèdìdɔ̀], lit. na 'Ginintuang Pagodang Dagon'), ay isang ginintuang stupa na matatagpuan sa Yangon, Myanmar.
Pagodang Shwedagon | |
---|---|
ရွှေတိဂုံစေတီတော် | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Budismo |
Sekta | Budismong Theravada |
Region | Rehiyon ng Yangon |
Pista | Pista ng Pagodang Shwedagon (Tabaung) |
Lupong namamahala | Ang Lupon ng mga Tagapangalaga ng Pagodang Shwedagon |
Katayuan | aktibo |
Lokasyon | |
Munisipalidad | Yangon |
Bansa | Myanmar |
Mga koordinadong heograpikal | 16°47′54″N 96°08′59″E |
Arkitektura | |
Nakumpleto | 1362/63 (o mas maaga pa) 1462 1775 |
Mga detalye | |
Taas (max) | 99 m (325 tal)[1] |
Taas ng taluktok | 112 m (367 tal)[1] |
Websayt | |
shwedagonpagoda.com.mm |
Ang Shwedagon ay ang pinakasagradong pagoda ng mga Budista sa Myanmar, dahil pinaniniwalaang naglalaman ito ng mga relikiya ng apat na nakaraang Buddha ng kasalukuyang kalpa. Kabilang sa mga relikiya ang baston ni Kakusandha, ang pansala ng tubig ni Koṇāgamana, ang isang piraso ng balabal ni Kassapa, at walong hibla ng buhok mula sa ulo ni Gautama.[2]
Itinayo sa Burol ng Singuttara na may 51-metrong (167 ft) taas, 170 m (560 ft) ang taas ng pagoda mula sa dagat,[note 1] at nangingibabaw ito sa tanawin ng Yangon. Ang mga regulasyon ng Yangon sa pagsosona, na naglilimita sa sukdulang taas ng mga gusali hanggang 127 metro (417 talampakan) lamang mula sa dagat (75% ng taas ng pagoda mula sa dagat) ay nagpapasigurado sa kalitawan ng Shwedagon sa tanawin ng lungsod.[3]