From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang pagkapandak ay nangyayari kapag ang isang organismo ay lubhang maliit.[1] Sa tao, binibigyan ito ng kahulugan minsan bilang isang adulto na may taas na mas mababa sa 147 sentimetro (4 talampakan 10 pulgada), anuman ang kasarian, bagaman, may ilang indibiduwal na may pagkapandak na bahagyang matangkad.[2][3] Ang pagkapandak na desproporsyonado ay nakikita sa pamamagitan ng maiksing biyas o maiksing katawan. Kadalasang normal ang katalinuhan, at karamihan ay may normal na haba ng buhay.[4][5]
Pagkapandak | |
---|---|
Isang lalaki sa Columbus, Indiana, Estados Unidos na may pagkapandak dahil sa achondroplasia | |
Espesyalidad | Endokrinolohiya, henetikang pangmedisina |
Sanhi | Hyposekresyon ng hormona sa paglago mula sa glandulang pituitaryo (kakulangan sa hormona sa paglago), mga sakit panghenetika |
Ang pinakakaraniwan at pinakakilalang anyo ng pagkapandak sa tao ay ang sakit panghenetika na achondroplasia, na sinasaklaw ang 70% ng mga kaso.[6] Samantala ang karamihan sa natitirang kaso ay dahil sa kakulangan sa hormona sa paglago.[7] Depende ang paggamot sa pinagbabatayang dahilan. 'Yung mga dahil sa sakit sa henetika, ginagamot ito sa pamamagitan ng pagtistis o terapewtikang pisikal. Nagagamot din naman ang diperensya sa hormona sa pamamagitan ng terapewtika sa hormona sa paglago bago ang pagsanib ng plaka ng paglago. Ang mga indibiduwal na akomodasyon, tulad ng espesyalisadong kasangkapan, ay kadalasang ginagamit ng mga taong may pagkapandak.[8] Binibigay ng maraming pangkat pansuporta ang mga serbisyo upang tulungan ang mga indibiduwal at upang labanan ang diskriminasyon na kanilang hinaharap.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.