Paco, Maynila
distrito ng Maynila, Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paco ay isang distrito ng Maynila, Pilipinas. Matatagpuan ito sa timog ng Ilog Pasig at San Miguel, kanluran ng Sta. Ana, timog-kanluran ng Pandacan, hilaga ng Malate, hilagang-kanluran ng San Andres, at Silangan ng Ermita. Sang-ayon sa sensus ng 2000, mayroon itong populasyon na 64,184 katao sa 13,438 sambahayanan. [1]