![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/26/PDP-Laban_logo.png/640px-PDP-Laban_logo.png&w=640&q=50)
PDP–Laban
partidong pampolitika sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.
Agarang impormasyon Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan, Tagapangulo ...
Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan | |
---|---|
Tagapangulo | Rodrigo Duterte |
Pangulo | Emmanuel Pacquiao |
Nagtatag | Aquilino Pimentel Jr. (PDP) Benigno Aquino Jr. (LABAN) |
Punong-Kalihim | bakante |
Itinatag | 6 Pebrero 1983; 41 taon na'ng nakalipas (1983-02-06) (merger)[1] |
Punong-tanggapan | Kalakhang Maynila |
Palakuruan | Pederalismo, Demokratikong Sosyalismo |
Opisyal na kulay | Dilaw, Bughaw, Pula |
Logo | |
![]() |
Isara
Muling sumabak ang PDP–Laban sa pampanguluhang halalan sa Pilipinas noong 2016 nang itaguyod nito ang kandidatura ni Rodrigo Duterte.