From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Otto Wilhelm Thomé (1840 - 1925) ay isang botanikong Aleman at pintor ng mga larawan ng mga halaman, na nagmula sa Cologne. Napabantog siya dahil sa pagkakagawa niya ng kalipunan ng mga larawang maka-botanika, ang "Flora von Deutschland, Österreich und der Schweiz in Wort und Bild für Schule und Haus" (Halaman ng Alemanya, Austria at Switzerland na may naisatitik na mga paliwanag at mga larawan para sa paaralan at tahanan).[1] Pinakauna ito sa apat na mga aklat na naglalaman ng mga 572 larawang pang-botanika. Nalimbag ito sa Gera, Alemanya noong 1885. Sinundan pa ito ng 8 aklat na idinagdag ni Walter Migula sa muling paglilimbag ng kalipunan noong 1903.[2]
Otto Wilhelm Thomé | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Marso 1840
|
Kamatayan | 26 Hunyo 1925
|
Mamamayan | Alemanya |
Trabaho | ilustrador, botaniko, pintor, mycologist, pedagogo |
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga larawang iginuhit ni Thomé:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.