From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Otaku (おたく / オタク) ay isang terminong Nihongo na ginagamit upang tukuyin ang mga taong may mga pagkahumaling na pagka-interes, lalo na sa anime, manga o mga larong bidyo.
Ang Otaku ay nanggaling sa terminong Nihongo na tumutukoy sa bahay o pamilya ng iba (お宅, otaku) na ginagamit din bilang honoripiko pang-uri. Ang modernong anyong balbal, ay nakikilala sa lumang konteksto, dahil ito ay isinusulat lamang sa hiragana (おたく) o katakana (オタク o, bihirang, ヲタク), o bihirang isinusulat sa rōmaji na lumitaw sa 1980's. Sa anime sa ngalang Macross na unang ipinalabas sa 1982, ang termino ay ginamit ni Lynn Minmay bilang honoripiko.[1][2] Tila itong termino ito ay nilikha ni Akio Nakamori sa kanyang 1983 na seryeng Isang Inbestigasyon ng "Otaku" (『おたく』の研究 "Otaku" no Kenkyū), na ipinrint sa isang lolicon na magazine Manga Burikko. Ang mga animator na tulad ni Haruhiko Mikimoto at Shōji Kawamori ay ginamit ang termino sa isa't isa bilang honoripiko simula ng huling 1970's.[2]
Isa pang pinagmulan para sa termino ay nagmula sa akda ng isang tagasulat ng science fiction na si Motoko Arai. Sa kanyang libro na Wrong about Japan, Peter Carey ay nagkaroon ng tagpuan sa nobelista, at Gundam chronicler na si Yuka Minakawa. Sinabi niya na si Arai ay ginamit ang salita sa kanyang mga nobela bilang pan-uri na ginamit ng mga mambabasa sa kanilang mga pangkaraniwang usapan.
Sa modernong Nihongong balbal, ang terminong otaku ay katumbas sa Ingles na salita na "geek".[3] Ngunit, ito ay maaring tumukoy sa pagkapanatiko sa kahit anong partikular na tema, paksa, libangan, at anumang uri ng libangan.[4]
Ang dating Punong Ministro ng Hapon Taro Aso ay iginiit na siya ay isang otaku, ginamgamit ang subculture upang mapalaganap ang bansang Hapon sa ugnayang panlabas.[5]
Ang termino ay ginagamit parehas sa lalake at babae Ang Reki-jo ay tumutukoy sa mga kababaihang may interes sa Kasaysayan ng Hapon.
Kasabay ng pagusbong ng kultura ng anime sa Pilipinas ay ang pagsibol ng paggamit ng salitang Otaku sa bansa. Kadalasan ay ginagamit ito ng mga kabataan at nakararami kapag ang isang tao ay nahihilig manood ng anime at manga. Lingid sa kaalaman ng mga nakararami ito ay tumutukoy hindi lang sa pagkahumaling ng mga tao sa anime at manga kung hindi sa lahat ng bagay na nauugnay sa kulturang 'geek' . Sinasabi rin na may dalawang klaseng Otaku, ito ay ang Type A at Type B na hinango sa dalawang magkaibang uri ng manonood ng anime.
Ang termino ay salitang hiram mula sa Wikang Nihongo. Sa Ingles, ito ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang panatiko ng anime, manga o Kulturang Hapon, at ginagamit rin ngunit bihara lamang sa mga panatiko ng larong bidyo ng Hapon. Ito ay minsan ginagamit na walang asosasyong Hapones sa "geek" at otaku, na pinupuntong na ang tao ay matalino at may pagkahumaling sa isang paksa, ngunit hindi sa puntong syia ay nahihirapang makipagkapwang tao.[6]
Ang termino ay katulad sa leybel na Trekkie o fanboy. HNgunit, ang leybel na ito ay maaring ikabahala ng ilang mga panatiko ng anime, partikular ang mga may alam sa mga negatibong konotasyon ng termino na ito sa bansang Hapon. Mga hindi kanais-nais na mga stereotype ukol sa otaku ay umiiral sa mga komunidad na pampanatiko sa buong mundo at ilang mga panatiko ng anime ay nababahala sa epekto ng mga mas sukdulang panatiko sa reputasyon ng kanilang libangan. (Hindi katulad sa mga sentmidad sa mga panitko ng komiks at science fiction).[7]
Ang termino ay ipina-uso sa 1996 na nobela niWilliam Gibson na Idoru, na may maraming sanggunian sa salitang otaku.
“ | The otaku, the passionate obsessive, the information age's embodiment of the connoisseur, more concerned with the accumulation of data than of objects, seems a natural crossover figure in today's interface of British and Japanese cultures. I see it in the eyes of the Portobello dealers, and in the eyes of the Japanese collectors: a perfectly calm train-spotter frenzy, murderous and sublime. Understanding otaku -hood, I think, is one of the keys to understanding the culture of the web. There is something profoundly post-national about it, extra-geographic. We are all curators, in the post-modern world, whether we want to be or not.[8] | ” |
— Modern boys and mobile girls, Edisyon noong Abril 2001 ng The Observer |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.