From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ornavasso (Ossolano: Urnavass, Walser Aleman: Urnafasch) ay isang ccomune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Verbano-Cusio-Ossola, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 110 kilometro (68 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 11 kilometro (7 mi) hilagang-kanluran ng Verbania.
Ornavasso | |
---|---|
Comune di Ornavasso | |
Panoramikong tanaw | |
Mga koordinado: 45°58′N 8°24′E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Lalawigan | Verbano-Cusio-Ossola (VB) |
Mga frazione | Migiandone |
Pamahalaan | |
• Mayor | Filippo Cigala Fulgosi |
Lawak | |
• Kabuuan | 25.92 km2 (10.01 milya kuwadrado) |
Taas | 215 m (705 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 3,432 |
• Kapal | 130/km2 (340/milya kuwadrado) |
Demonym | Ornavassesi, Migiandonesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 28027 |
Kodigo sa pagpihit | 0323 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Ornavasso ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Anzola d'Ossola, Gravellona Toce, Mergozzo, at Premosello Chiovenda. Sa lugar ay mayroong dalawang nekropolis ng Lepontii - kulturang Selta, mula sa ika-2 siglo BK – ika-1 siglo AD. Mula sa ika-14 na siglo hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, ang Ornavasso at ang frazione nito ng Migiandone ay isang isla ng wika ng Walser Aleman, dahil sa pagkakaroon ng mga imigrante mula sa lugar ng Simplon. Ang mga bakas ng kulturang Aleman ay nananatili sa lokal na diyalekto at sa tradisyon ng Karnabal.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Ornavasso ang base ng Dibisyong Partisano ng Valtoce.
Ang munisipal na lugar ng Ornavasso ay matatagpuan sa ibabang Lambak ng Ossola at kumakatawan sa "pintuan ng pasukan" patungo sa lambak.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.