Orfeo
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.
Si Orfeo o Orpheus (Griyego: Ὀρφεύς) ay isang tauhan sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki nina Apollo at Caliope. Siya ang asawa ni Euridice (o Eurydice). Kilala siya sa kanyang kakayanang makapagpaamo ng mababangis na mga hayop sa pamamagitan ng tugtuging nagbubuhat sa kanyang lira.[1]
Habang nakalulan sa Argo na kasama si Jason, pinahinahon at hinikayat ni Orfeo ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanyang tugtugin. Nang mamatay ang kanyang asawa dahil sa pagkakakagat ng isang ahas, hinimok niya ang mga diyos ng Hades na pakawalan ito. Sumang-ayon siya sa kasunduang hindi siya lilingon habang papaalis sila ng Hades. Ngunit lumingon siyang pabalik at walang-hanggang naglaho na sa kanya si Euridice.[1]