Olibin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa isang mineral ang artikulo na ito. Para sa olibano, tingnan ang Kamanyang.
Ang olibin ay isang mineral na silikato na nagtataglay ng magnisyo at bakal at may pormulang kemikal na (Mg,Fe)2SiO4. Pangunahing sangkap ito ng pang-itaas na mantel ng Daigdig,[1] isa itong karaniwang mineral sa ilalim ng Daigdig ngunit madaling kumupas sa mga kalagayan sa ibabaw ng daigdig.[2] Napakaraming gamit ang olibin sa kasaysayan, partikular ang isang uri nito na peridot na ginamit bilang alahas.
Ipinahihiram ng olibin ang pangalan nito sa isang pangkat ng mga mineral (ang pangkat na olibin) na kahawig nito ng istruktura. Ilan sa mga kabilang sa pangkat na ito ay ang mineral na monticellite (CaMgSiO4).