From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang oblast ay isang uri ng pampangangasiwang dibisyon sa Belarus, Bulgaria, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Ukraine, at ng dating Unyong Sobyet at Yugoslavia. Maihahambing ang salitang ito sa isang "pederadong estado" o "lalawigan".
Ang mga opisyal na katawagan sa mga sumunod na estado sa Unyong Sobyet ay iba, ngunit ang ilan ay gumagamit ng mga katawagan mula sa wikang Ruso gaya ng voblast (voblasts, voblasts', Padron:IPA-be) ay ginagamit para sa mga probinsiya ng Belarus, at oblys (maramihan: oblystar) para sa mga Rehiyon ng Kazakhstan.
Hiram na salita sa Ingles ang salitang "oblast",[1] ngunit ito'y karaniwang isinasalin na "sona", "probinsiya", o "rehiyon". Bagaman maaaring magdulot ng kalituhan ang huling salita dahil sa "raion" na maaaring tumukoy sa iba pang pampangangasiwang dibisyon na maaaring isalin sa "rehiyon" o "distrito", depende sa konteksto.
Mula 1997, ang Bulgaria ay nahahati sa 28 na mga oblast na ang ibig sabihin ay "probinsya". Noon, nahahati ang bansa sa siyam na oblast.
Sa Imperyong Ruso, ang mga oblast ay kinokonsidera na bahagi ng pampangasiwaang dibisyon at bahagi ng Gobernadiya o krais.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.