Nirvana
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Nirvāṇa ( /nɪərˈvɑːnə/ neer-VAH-nə, /ʔˈvænə/ -VAN-ə, /nɜːrʔ/ nur-;[1] Sanskrito: निर्वाण nirvāṇa sa; Pali: nibbāna; Prakrit: ṇivvāṇa; literal, "hinipan", tulad ng sa isang ilawang langis[2]) ay isang konsepto sa mga relihiyong Indiyano (Budismo, Hinduismo, Jainismo, at Sikhismo) na kinakatawan ang katapusang pansoteriyolohiko katayuan, ang liberasyon mula sa duḥkha, paghihirap, at saṃsāra, ang siklo ng pagsilang at muling pagsilang.[3][web 1][4]
Sa mga relhiyong Indiyano, kasingkahulugan ng nirvana ang moksha at mukti.[tanda 1] Iginiit ng lahat ng mga relihiyong Indiyano na ito ang isang estado ng perpektong katahimikan, kalayaan, pinakamataas na kaligayahan pati na rin ang paglaya mula sa pagkagiliw at makamundong pagdurusa at ang pagwakas ng samsara, ang pag-ikot ng buhay.[6][7] Bagaman, iba ang pagsasalarawan ng mga tradisyong di-Budista at Budista sa mga katawagang ito para sa liberasyon.[8] Sa pilosopiyang Hindu, ito ang pagsasama ng o ang pagsasakatuparan ng pagkakakilanlan ng Atman sa Brahman, depende sa tradisyong Hindu.[9][10][11] Sa Jainismo, ang nirvana ay ang layuning pansoteriyolohiko din, na kinakatawan ang pagkawala ng diwa mula sa karmikong pagkagapos at samsara.[12] Sa kontekstong Budista, tumutukoy ang nirvana sa pag-abandona ng 10 fetter, na minamarkahan ang wakas ng muling pagsilang sa pamamagitan ng pagpatay ng "apoy" na pinapanatili ang proseso ng muling pagsilang na magpatuloy.[8][13][14]