Neil Armstrong
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Neil Alden Armstrong (Agosto 5, 1930 - Agosto 25, 2012) ay isang Amerikanong astronota. Siya ang unang taong nakatapak sa buwan ng Mundo. Noong Hulyo 20, 1969, lumapag sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa buwan habang nakalulan sa isang maliit na sasakyang pangkalawakang ipinadala sa buwan sa pamamagitan ng kuwitis na Saturn V. Tinawag ang sasakyang pangkalawakan nila bilang Apollo 11. Kapwa sila naglakad sa ibabaw ng buwan, at napanood at narinig ng milyun-milyong mga tao ang buhay na kaganapang ito sa telebisyon. Siya ang nagsabi ng pangungusap na That's one small step for a man, one giant leap for mankind ("Isa iyang maliit na hakbang para sa isang tao, isang dambuhalang pagtalon para sa sangkatauhan") nang makatuntong sa kalatagan ng buwan.[7]
Neil Armstrong | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Agosto 1930[1]
|
Kamatayan | 25 Agosto 2012[1]
|
Libingan | Karagatang Atlantiko[3] |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika[4] |
Nagtapos | University of Southern California Pamantasang Purdue |
Trabaho | pilotong tagasubok,[5] propesor ng unibersidad,[6] astronaut |
Pirma | |
Ipinananganak si Armstrong sa Ohio, Estados Unidos at dating namuhay na kasama ang kanyang mga lolo at lola sa isang bukid. Nakatanggap siya ng degring batsilyer sa agham noong 1955, at ng degring maestro sa agham noong 1962. Mula 1971 hanggang 1971, naghanapbuhay siya bilang isang propesor sa isang pamantasan.