Ang naengmyeon[2] (냉면; 冷麵, sa Timog Korea) o raengmyŏn (랭면, sa Hilagang Korea) ay isang putaheng pansit mula sa Hilagang Korea na binubuo ng mahahaba at maninipis na pansit na de-kamay na ginawa mula sa harina at gawgaw ng iba't ibang mga sangkap, kabilang dito ang hayang trigo (메밀, memil), patatas, kamote, gawgaw ng uraro (mas matingkad at mangunguya kaysa sa pansit na hayang trigo) at kudzu (칡, chik). Pinakakaraniwan ang hayang trigo (sa kabila ng pangalan, hindi ito trigo ngunit mas malapit ang kaugnayan sa alasan). Gawa ang mga ibang baryante ng naengmyeon mula sa sangkap tulad ng damong-dagat at tsaang lunti.
Agarang impormasyon Ibang tawag, Uri ...
Isara
Agarang impormasyon Hangul, Hanja ...
Isara
Agarang impormasyon Chosŏn'gŭl, Hancha ...
Isara
Sa modernong panahon, karaniwang inuugnay at kinakain ng marami ang baryanteng mul naengmyeon (물 냉면) tuwing tag-init; subalit sa kasaysayan tinamasa itong putahe tuwing taglamig.[3][4][5]