NSYNC
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang NSYNC (minsa'y isinusulat bilang ā NSYNC) ay isang boyband na Amerikano na nabuo sa Orlando, Florida noong 1995 at inilunsad sa Alemanya ni BMG Ariola Munich.[1] Binubuo ang *NSYNC nina Justin Timberlake, JC Chasez, Chris Kirkpatrick, Joey Fatone, at Lance Bass. Matapos ang matinding labang legal na pinupog ng publiko sa kanilang dating tagapamahala na si Lou Pearlman at dating record label na Sony BMG, ang ikalawang album ng grupo, ang No Strings Attached ay nakapagbenta ng mahigit 1 milyong kopya sa loob ng isang araw at 2.42 milyong kopya sa loob ng isang linggo.[2][3] Bukod sa pagiging punong-abala para sa mga nominasyon sa Parangal Grammy (Grammy Award), nagtanghal na rin ang NSYNC sa World Series, sa Super Bowl at sa Palarong Olimpiko, at nakaawit o nakapagrekord na kasama sina Elton John, Stevie Wonder, Michael Jackson, Phil Collins, Celine Dion, Aerosmith, Britney Spears, Nelly, Left Eye, Mary J. Blige, at Gloria Estefan.
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Setyembre 2021) |
NSYNC | |
---|---|
![]() | |
Kabatiran | |
Pinagmulan | Orlando, Florida, Estados Unidos |
Genre | Pop, dance-pop, teen pop |
Taong aktibo | 1995ā2002 |
Label | RCA, Jive |
Dating miyembro | Chris Kirkpatrick Joey Fatone Justin Timberlake JC Chasez Lance Bass |
Website | www.NSYNC-world.com |
Bagama't inanunsiyo ng NSYNC ang simula ng isang "pansamantalang pamamahinga" noong tagsibol ng 2002, hindi na nagrekord ang banda ng kahit anong bagong materyal mula noon. Pinatay na rin ang opisyal na sityo ng grupo noong tag-init ng 2006, at noong 2007, kinumpirma ni Lance Bass na ang grupo ay "nabuwag na nga."[4] Nakapagbenta sila ng mahigit 50 milyong album sa buong panahon ng kanilang karera[5], dahilan upang sila'y maging ikawalong pinakamabiling boyband sa kasaysayan.[6] Kinilala ng magasing Rolling Stone ang kanilang kagyat na tagumpay bilang isa sa Top 25 Teen Idol Breakout Moments sa lahat ng panahon.[7]