From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang muon ( /ˈmjuːɒn/; mula sa letrang Griyegong mu (μ) na ginagamit upang ikatawan ito) ay isang elementaryong partikulo na katulad ng elektron na may unitaryong negatibong elektrikong karga at ikot na ½. Kasama ng elektron, tau at ang tatlong neutrino, ito ay inuuri bilang isang lepton. Gaya ng sa kaso ng ibang mga lepton, ang muon ay hindi pinaniniwalaang may anumang pangilalim na istraktura(substructure) na nangangahulugang hindi ito binubuo ng mas simple pang mga elementaryong partikulo.
Komposisyon | Elementaryong partikulo |
---|---|
Estadistika | Fermioniko |
Henerasyon | Ikalawa |
Mga interaksiyon | Grabidad, Elektromagnetismo, Mahinang interaksiyon |
Simbolo | μ− |
Antipartikulo | Antimuon (μ+) |
Nag-teorisa | — |
Natuklasan | Carl D. Anderson (1936) |
Masa | 105.65836668(38) MeV/c2 |
Mean na panahon ng buhay | 2.197034(21)×10−6 s[1] |
Elektrikong karga | −1 e |
Kargang kulay | None |
Ikot | 1⁄2 |
Ang muon ay hindi matatag na subatomikong partikulo na may mean na panahon ng buhay(mean lifetime) na 2.2 μs. Ang maikukumparang mahabang pagkabulok na panahon ng buhay(na ikalawang pinakamahabang alam) na ito ay sanhi ng pagiging pinamamagitan ng mahinang interaksiyon. Ang tanging mas mahabang panahon ng buhay para sa isang hindi matatag na subatomikong partikulo ang sa malayang neutron na isang partikulong baryon na binubuo ng mga quark na nabubulok rin sa pamamagitan ng mahinang interaksiyon. Ang lahat ng mga muon ay nabubulok sa tatlong mga partikula na elektron at dalawang neutrino ng magkaibang uri ngunit ang mga anak na partikulo ay pinaniniwalaang bagong nagmumula sa pagkabulok.
Tulad ng lahat ng mga elementaryong partikulo, ang muon ay may katugong(corresponding) antipartikulo ng kabaligtarang karga ngunit parehong masa at ikot: ang antimuon na tinatawag ring positibong muon. Ang mga muon ay tinutukoy ng μ− at ang mga antimuon ng μ+. Ang mga muon ay dating tinawag na mu mesons, ngunit hindi inuri bilang mga meson ng modernong partikulong mga pisiko.
Ang mga muon ay may masang 105.7 MeV/c2 na mga 200 beses sa masa ng elektron. Dahil sa ang mga interaksiyon ng muon ay napaka katulad ng sa elektron, ang muon ay maaaring akaling isang mas mabigat na bersiyon ng elektron. Dahil dakilang masa nito, ang mga muon ay hindi malakas na ma-akselera kapat ang mga ito ay naka-engkwentro ng mga elektromagnetikong field at hindi naglalabas ng gaanong radiasyong bremsstrahlung. Ito ay pumapayag sa mga muon ng isang ibinigay ng enerhiya na tumagos ng higit na mas malalim sa materya kesa sa mga elektron dahil sa ang deselerasyon ng mga elektron at muon ay pangunahing sanhi ng pagkawala ng enerhiya sa pamamagitan ng mekanismong bremsstrahlung. Bilang halimbawa, ang tinatawag na mga "sekondaryong muon" na nilikha ng mga sinag kosmiko na tumatama sa atmospero ay maaaring tumagas sa ibabaw ng mundo at kahit sa malalalim na mga minahan.
Dahil sa ang mga muon ay may napakalaking masa at enerhiya kumpara sa enerhiyang pagkabulok ng radioaktibidad, ang mga ito ay hindi kailanman nalilikha sa pamamagitan ng pagkabulok radioaktibo. Gayunpaman, ang mga ito ay nalilikha sa saganang halaga sa mga interaksiyong mataas na enerhiya sa normal na materya gaya ng nangyayari sa ilang mga eksperimento sa akselerador ng partikulo sa mga hadron gayundin sa natural na paraan sa mga interaksiyon ng kosmikong sinag sa materya. Ang mga interaksiyon ito ay karaniwang unang prodyus(produces) na pi meson na kalimitan namang nabubulok sa mga muon.
Gaya ng sa kaso ng ibang mga may kargang lepton, ang mga muon ay may kaugnay na muon neutrino. Ang mga muon neutrino ay tinutukoy ng = νμ.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.