From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Mondino de Luzzi o Mondino de Liuzzi (c. 1275 - 1326) ay isang Italyanong anatomista, propesor sa larangan ng panggagamot at tagapanimula ng isinasagawang anatomiya.[1] Kilala rin siya bilang Mondino de’ Liuzzi da Bologna, katumbas ng Mondino de Luzzi ng Bologna.[2]
Mondino de Luzzi | |
---|---|
Kapanganakan | 1275
|
Kamatayan | 1326
|
Nagtapos | Unibersidad ng Bologna |
Trabaho | manggagamot, anatomista |
Binabaybay sa maraming kaparaanan ang apelyido ni de Luzzi. Kabilang sa mga pagbabaybay ang mga sumusunod: Liuzzi, Liucci, Luzzi, o Luzzo. Sa Latin, nagiging de Luciis, de Liuccis, o de Leuciis. Umiikli ang sangkap na dei na nagiging de’ o de.[2]
Si de Luzzi ang unang tumaliwas sa mga diwang pangpanggagamot at pang-anatomiya ni Claudius Galen (naniniwala si Galen na naglalaman ang katawan ng mga espiritung dumadaloy sa mga arteryo, bena, at mga ugat na nerbyo) na namamayani at umiiral pa noong mga Gitnang Panahon. Sa halip na umasa sa mga katulong sa paghihiwa o diseksiyon ng walang buhay na katawan ng tao, siya mismo ang nagsagawa ng sarili niyang mga pag-aaral at paghihiwa. Siya ang sumulat ng Anathomia (kilala rin bilang De Anatome o Anathomia Mundini), ang unang aklat na nakalaan lamang para sa anatomiya, bagaman nanatili pa rin noong panahon niya ang makalumang gawi sa pag-aaral ng anatomiya. Nagkaroon lamang ng pagbabago noong kapanahunan na ni Andreas Vesalius.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.