Mitsubishi A6M Zero
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mitsubishi Navy Type 0 Carrier Fighter (零式艦上戦闘機, rei-shiki-kanjou-sentouki), na tinatawag ring 'Mitsubishi A6M Rei-sen' at 'Mitsubishi Navy 12-shi Carrier Fighter', ay isang malayuang ranggo ng eroplanong pandigma na pinapatakbo ng Serbisyong pang-hukbong panghihimpapawid ng Hapong Imperyal (IJNAS) mula noong 1940 hanggang 1945. Ang A6M ay tinatawag din ng mga Alyado na "Zero", mula sa designasyong 'Navy Type 0 Carrier Fighter'. Ang opisyal na kodigong pangalan ng eroplano ay Zeke.
Gampanin | Fighter |
---|---|
Taga-gawa | Mitsubishi |
Dinisenyo ni | Jiro Horikoshi |
Unang Paglipad | 1 Abril 1939 |
Introduksiyon | Hulyo 1940 |
Pagretiro | 1945 (Japan) |
Inilabas | 1940–1945 |
Number built | 10,939 |
Uri | Nakajima A6M2-N |
Nang ito ay ipakilala sa lahat noong bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay isa pinakamagaling na eroplanong pandigma na pinapalipad mula sa mga barkong pandigma Aircraft Carrier sa buong mundo , na pinagsama ang mahusay na kontrol sa himpapawid at malayong mararating.[1] Sa unang sabak nito sa operasyong militar, nakakuha ang Zero mahiwagang reputasyon na "dogfighter", na naabot ang pinakamatinding pagpatay sa rasyong 12:1,[2] subalit noong kalagitnaan ng 1942, isang kombinasyon ng mga bagong taktika at ang pagpapalabas ng panibagong kagamitan ay nagbigay ng oportunidad sa mga kaalyadong piloto upang labanan ito ng patas.[3] Madalas din ito ginamit ng IJNAS bilang eroplanong nakabase sa lupa. Noong 1943, ang mga kahinaan sa disenyo at pagkakamali na gumawa ng mas malakas na mga makina nangangahulugang ang Zero ay naging hindi gaanong epektibong laban sa mga mas eroplanong pandigma na katapat nito na mas malaki and armas, pananggalang, and bilis, at lumapit sa bilis nitong makaiwas. Kahit na ang Mitsubishi A6M ay hindi na napapanahon noong 1944, hindi ito tuluyang napalitan ng mas bagong eroplanong pandigma ng mga Hapon. Noong huling mga taon ng Digmaan sa Pasipiko, ang Zero ay ginamit sa operasyong kamikaze.[4] Sa kurso ng digmaan, higit pa zero ay binuo kaysa sa anumang iba pang mga Hapon na sasakyang panghimpapawid.[5]