![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2a/Tatay_at_Nanay.jpg/640px-Tatay_at_Nanay.jpg&w=640&q=50)
Asawa
Kabiyak sa isang kasal o unyon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang asawa (mula sa Sanskrito: स्वामी [svāmī]) ay ang walang-kasariang katawagan para sa esposo o asawang lalaki o kaya para sa esposa o asawang babae. Ngunit maaari ring tumukoy sa isang kasama o kinakasama sa buhay.[1] Iba pang taguri sa asawa ang pagiging kabiyak, maybahay (kung babae), ina ng mga bata, ginang (ng tahanan), misis (ng mister), lakay (kung lalaki), bana (kapag lalaki), ama ng mga bata, mister (ng misis).[2]
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2a/Tatay_at_Nanay.jpg/640px-Tatay_at_Nanay.jpg)
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Asawa.
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang May bahay.
![Thumb image](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/e8/Wife_And_Husband.jpg/320px-Wife_And_Husband.jpg)
Kaugnay ito ng salitang mag-asawa na tumutukoy sa pagpapakasal o kaya sa isang pares[3] ng mga tao na nagsasama dahil sa kasal o matrimonyo.