From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang ama (Ingles: father)[1] ay ang lalaking magulang ng anumang uri ng anak o supling.[2] Karamihan sa mga hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa kanilang pag-ibig at pagtatalik. Ang ina ang nagdadalangtao at nagluluwal ng sanggol. Tinatawag na ama sa batas o biyenang lalaki ang ama ng asawa ng isang tao.
Sa ilang mga kultura, nangangahulugang "pinuno" ang ama. Paminsan-minsang tinataguriang mga Ama ang mga tagapagtatag ng isang bansa, gayundin ang mga manlilikha ng isang larangan o kaya mga imbentor.
Sa ilang mga relihiyon, katulad ng Hudaismo o Kristiyanismo, tinatawag ang Diyos bilang Ama. Sa paniniwalang Kristiyano, may tatlong mga persona o katauhan ang Diyos: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Ginagamit din ang padre[1] (mula sa wikang Kastila na may ibig sabihing "ama") bilang pamagat o katawagan para sa mga paring Katoliko.
Katumbas ng ama ang tatay, tatang, itay, itang, at papa.[1]
Tinatawag na ama sa turing ang isang ama-amahan o hindi tunay na ama, kinikilalang ama bagaman pangalawa o naging tinuturing na "ama" dahil sa muling pag-aasawa ng tunay na ina. Isa sa halimbawa ng ama sa turing si San Jose, ang ama-amahan ng anak ni Mariang si Hesus.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.