![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f4/Krystyna_Pyszkov%25C3%25A1.png/640px-Krystyna_Pyszkov%25C3%25A1.png&w=640&q=50)
Miss World 2023
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 2023 ay ang ika-71 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Jio World Convention Centre, Mumbai, Indiya noong 9 Marso 2024.[1]
Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...
Miss World 2023 | |
---|---|
![]() Krystyna Pyszková | |
Petsa | 9 Marso 2024 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Jio World Convention Centre, Mumbai, Indiya |
Lumahok | 112 |
Placements | 40 |
Bagong sali | Togo |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Krystyna Pyszková![]() |
Isara
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Karolina Bielawska ng Polonya si Krystyna Pyszková ng Republikang Tseko bilang Miss World 2023.[2][3] Ito ang pangalawang tagumpay ng Republikang Tseko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang runner-up si Yasmina Zaytoun ng Libano.[4]
Mga kandidata mula sa 112 mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Karan Johar at Miss World 2013 Megan Young ang kompetisyon.[5][6] Nagtanghal sina Shaan, Tony Kakkar, Neha Kakkar, at Miss World 2019 Toni-Ann Singh sa edisyong ito.[7][8]