![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/04/Miss_Universe_Visit_to_earth_Earth_infra_Earth_Infrastructures_Limited.jpg/640px-Miss_Universe_Visit_to_earth_Earth_infra_Earth_Infrastructures_Limited.jpg&w=640&q=50)
Miss Universe 2009
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2009 ay ang ika-58 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Imperial Ballroom sa Atlantis Paradise Island, Nassau, Bahamas noong 23 Agosto 2009.
Miss Universe 2009 | |
---|---|
![]() Stefanía Fernández | |
Petsa | 23 Agosto 2009 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Imperial Ballroom, Atlantis Paradise Island, Nassau, Bahamas |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal:
|
Lumahok | 83 |
Placements | 15 |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Stefanía Fernández![]() |
Congeniality | Wang Jingyao ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Diana Broce ![]() |
Photogenic | Chutima Durongdej ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Dayana Mendoza ng Beneswela si Stefanía Fernández ng Beneswela bilang Miss Universe 2009. Ito ang una at sa kasalukuyan, ang tanging pagkakataon sa kasaysayan ng Miss Universe na nanalo ang isang bansa sa loob ng dalawang magkasunod na taon.[1][2] Nagtapos bilang first runner-up si Ada Aimée de la Cruz ng Republikang Dominikano, habang nagtapos bilang second runner-up si Marigona Dragusha ng Kosobo.[3][4]
Mga kandidata mula sa walumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Claudia Jordan ang kompetisyon.[5][6] Nagtanghal sina Heidi Montag, Flo Rida, Kelly Rowland, at David Guetta sa edisyong ito.[7]
Itinampok din sa edisyong ito ang bagong Diamond Nexus Crown. Sa unang pagkakataon, bumoto ang mga manonood mula sa tatlong disenyo ng bagong korona. Binoto ng mga manonood ang Peace crown, na mayroong 1,371 na gemstone, at may timbang na 416.09 carats o 83.218 g. Ito ay gawa sa isang haluang metal na naglalaman ng 544.31 gramo ng 14k at 18k na puting ginto at platinum.[8] Itinampok din sa korona ang mga synthetic ruby na kinakatawan ang pangunahing adbokasiya ng Miss Universe na HIV/AIDS education at awareness.[9]