Miss Universe 2006
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2006 ay ang ika-55 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Shrine Auditorium, Los Angeles, California, Estados Unidos noong 23 Hulyo 2006.[1]
Miss Universe 2006 | |
---|---|
Petsa | 23 Hulyo 2006 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Shrine Auditorium, Los Angeles, California, Estados Unidos |
Brodkaster | |
Lumahok | 86 |
Placements | 20 |
Bagong sali | Kasakistan |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Zuleyka Rivera Porto Riko |
Congeniality | Angela Asare Gana |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Kurara Chibana Hapon |
Photogenic | Lia Andrea Ramos Pilipinas |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Natalie Glebova ng Kanada si Zuleyka Rivera ng Porto Riko bilang Miss Universe 2006.[2] Ito ang ikalimang tagumpay ng Porto Riko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Kurara Chibana ng Hapon, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Lauriane Gilliéron ng Suwisa.[3][4]
Matapos ang palabas, nahimatay si Rivera dahil sa bigat ng kanyang evening gown. Gayunpaman, siya ay nakabawi agad.[5][6][7]
Mga kandidata mula sa walumpu't-anim na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Miss Universe bago malagpasan ang rekord na walumpu't-siyam na kandidata noong 2011 at 2012.[8] Pinangunahan nina Carlos Ponce at Nancy O'Dell ang kompetisyon, samantalang sina Carson Kressley at Miss USA 2004 Shandi Finnessey ang nagsilbing mga expert analyst.[9] Nagtanghal sina Chelo at Italian operatic tenor na si Vittorio Grigolo sa edisyong ito.[10]