Miss Universe 2003
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2003 ay ang ika-52 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Figali Convention Center, Lungsod ng Panama, Panama noong 3 Hunyo 2003.[1][2]
Miss Universe 2003 | |
---|---|
Petsa | 3 Hunyo 2003 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Figali Convention Center, Lungsod ng Panama, Panama |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal:
|
Lumahok | 71 |
Placements | 15 |
Bagong sali | Serbya at Montenegro |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Amelia Vega Republikang Dominikano |
Congeniality | Kai Davis Antigua at Barbuda |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Amelia Vega Republikang Dominikano |
Photogenic | Carla Tricoli Porto Riko |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Justine Pasek ng Panama si Amelia Vega ng Republikang Dominikano bilang Miss Universe 2003.[3][4] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Republikang Dominikano sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Mariángel Ruiz ng Beneswela, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Cindy Nell ng Timog Aprika.[5][6]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Daisy Fuentes ang kompetisyon. Nagtanghal sina Chayanne at Bond sa edisyong ito. Ito ang unang edisyon na ipinalabas sa NBC.