Miss Universe 2001
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 2001 ay ang ika-50 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Coliseo Rubén Rodríguez, Bayamón, Porto Riko noong 11 Mayo 2001.
Miss Universe 2001 | |
---|---|
Denise Quiñones | |
Petsa | 11 Mayo 2001 |
Presenters |
|
Entertainment |
|
Pinagdausan | Coliseo Rubén Rodríguez, Bayamón, Porto Riko |
Brodkaster | CBS |
Lumahok | 77 |
Placements | 10 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Denise Quiñones![]() |
Congeniality | Nakera Simms ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Kim Sa-rang ![]() |
Photogenic | Denise Quiñones ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Lara Dutta ng Indiya si Denise Quiñones ng Porto Riko bilang Miss Universe 2001.[1][2] Ito ang ikaapat na tagumpay ng Porto Riko sa kasaysayan ng kompetisyon.[3][4] Nagtapos bilang first runner-up si Evelina Papantoniou ng Gresya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Kandace Krueger ng Estados Unidos.[5]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Elle Macpherson at Naomi Campbell ang kompetisyon,[6][7] samantalang sina Miss Universe 1997 Brook Lee at Todd Newton ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[8] Nagtanghal si Ricky Martin at ang bandang La Ley sa edisyong ito.[9]