Miss Universe 1989
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1989 ay ang ika-38 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Fiesta Americana Condesa Hotel, Cancún, Mehiko noong 23 Mayo 1989.[1][2]
Miss Universe 1989 | |
---|---|
Petsa | Mayo 23, 1989 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Fiesta Americana Condesa Hotel, Cancún, Mehiko |
Brodkaster | |
Lumahok | 76 |
Placements | 10 |
Bagong sali | San Vicente at ang Granadinas |
Hindi sumali | Libano |
Bumalik | |
Nanalo | Angela Visser Olanda |
Congeniality | Sharon Simons Kapuluang Turks at Caicos |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Flávia Cavalcanti Brasil |
Photogenic | Karen Wenden Australya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Porntip Nakhirunkanok ng Taylandiya si Angela Visser ng Olanda bilang Miss Universe 1989.[3][4] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Olanda sa kasaysayan ng kompetisyon.[5][6] Nagtapos bilang first runner-up si Louise Drevenstam ng Suwesya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Gretchen Polhemus ng Estados Unidos.[7][8][9]
Mga kandidata mula sa 76 na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni John Forsythe ang kompetisyon, samantalang sina Emma Samms at Miss Universe 1982 Karen Baldwin ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[10][11][12]