![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4a/Miss_Universe_1977_%2528cropped%2529.jpg/640px-Miss_Universe_1977_%2528cropped%2529.jpg&w=640&q=50)
Miss Universe 1977
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1977 ay ang ika-26 na edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Teatro Nacional, Santo Domingo, Republikang Dominikano noong Hulyo 16, 1977.
Miss Universe 1977 | |
---|---|
![]() Janelle Commissiong | |
Petsa | Hulyo 16, 1977 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Teatro Nacional, Santo Domingo, Republikang Dominikano |
Brodkaster | Internasyonal: Opisyal:
|
Lumahok | 80 |
Placements | 12 |
Bagong sali | |
Hindi sumali | |
Bumalik | |
Nanalo | Janelle Commissiong![]() |
Congeniality | Pamela Mercer ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Kim Sung-hee ![]() |
Photogenic | Janelle Commissiong ![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Rina Messinger ng Israel si Janelle Commissiong ng Trinidad at Tobago bilang Miss Universe 1977.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Trinidad at Tobago sa kasaysayan ng kompetisyon, at ang kauna-unahang babaeng itim ang balat na nagwagi bilang Miss Universe.[3][4] Nagtapos bilang first runner-up si Eva Duringer ng Austrya, habang nagtapos bilang second runner-up si Sandra Bell ng Eskosya.[5][6]
Mga kandidata mula sa walumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Barker ang kompetisyon sa ikalabing-isang pagkakataon, samantalang si Helen O'Connell ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.[7][8]