Miss Supranational 2023
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Supranational 2023 ay ang ika-14 na edisyon ng Miss Supranational, na ginanap sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy Sącz, Małopolska, Polonya noong 14 Hulyo 2023.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Lalela Mswane ng Timog Aprika si Andrea Aguilera ng Ekwador builang Miss Supranational 2023. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Ekwador sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Pauline Amelinckx ng Pilipinas, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Sancler Frantz ng Brasil.[1][2]
Mga kandidata mula sa animnapu't-limang bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Miss South Africa 2000 Jo-Ann Strauss at Martin Fitch ang kompetisyon, samantalang si Ivan Padrez ang nagsilbing backstage correspondent.[3] Nagtanghal sina Shontelle, Sara James, Gromee, at Sara Chimel sa edisyong ito.