Miss Earth 2003
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Earth 2003 ay ang ikatlong edisyon ng Miss Earth pageant, na ginanap sa University of the Philippines Theater sa Lungsod Quezon, Pilipinas noong 9 Nobyembre 2003.[1][2][3][4]
Miss Earth 2003 | |
---|---|
Petsa | 9 Nobyembre 2003 |
Presenters |
|
Pinagdausan | University of the Philippines Theater, Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Brodkaster |
|
Lumahok | 57 |
Placements | 10 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Dania Prince![]() |
Congeniality | Yodit Getahun ![]() |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Jessica Doralis Segui![]() |
Photogenic | Claudia Cecilia Azaeda ![]() |
2004 → |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Winfred Omwakwe ng Kenya si Dania Prince ng Honduras bilang Miss Earth 2003.[5] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Honduras sa Miss Earth. Kinoronahan si Pricila Zandona ng Brasil bilang Miss Air, si Marianela Zeledon ng Kosta Rika bilang Miss Water, at si Marta Matyjasik ng Polonya bilang Miss Fire.[6][7][8]
Mga kandidata mula sa limampu't-pitong mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Ariel Ureta at Sarah Meier ang kompetisyon, samantalang Phoemela Barranda at Pia Guanio ang nagsilbing mga backstage correspondent.