From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Mīrzā Ghulām Aḥmad[3] (Arabic: ميرزا غلام أحمد; Urdu: مرزا غلام احمد; Pebrero 13, 1835 – 26 Mayo 1908 CE, o 14 Shawal 1250 – 24 Rabi' al-thani 1326 AH) ay isang pigurang pang-relihiyon mula sa India na tagapagtatag ng kilusang Ahmaddiya. Siya ay nag-angkin bilang ang Mujaddid (repormer na makadiyos) ng ika-14 siglong Islamiko, isang ipinangakong mesiyas, at ang mahdi na hinihintay ng mga Muslim sa mga wakas ng panahon.[1][2] Siya ay nananatiling isang kontrobersiyal na pigura at itinuturing ng mga ortodoksong Muslim na eretikal dahil sa kanyang pag-aangkin na hindi nagdadala ng batas(diputado) na propeta pagkatapos ni Muhammad na tradisyonal na pinaniniwalaan ng maraming mga Muslim na huling propetang isinugo ng Diyos sa sangkatauhan.[4] Inangkin niyang si Hesus (o Isa) ay katunayang nakaligtas sa pagpapako sa krus at kalaunang namatay sa isang natural na kamatayan pagkatapos na tumungo at tumira sa Kashmir. Kanyang inangking ang nosyon ng pisikal na pagbabalik ni Hesus ay mali. Inihayag rin niyang siya'y lumitaw sa espirito at kapangyarihan ni Hesus.[5]
Mīrzā Ghulām Aḥmad | |
---|---|
Founder of The Ahmadiyya Movement | |
Buong pangalan | Mīrzā Ghulām Aḥmad |
Mga pamagat | Claimed to be Mujaddid (divine reformer) of the fourteenth Islamic century, the Promised Messiah (Second Coming of Christ), and the Mahdi awaited by the Muslims in the end days.[1][2] |
Ipinanganak | 13 Pebrero 1835 Qadian, Sikh Empire |
Namatay | 26 Mayo 1908 73) Lahore, British Empire | (edad
Inilibing | Bahishti Maqbara, Qadian, India |
Wives | Hurmat Bibi Nusrat Jehan Begum |
Supling | Mirza Basheer-ud-Din Mahmood Ahmad Mirza Bashir Ahmad Mirza Sharif Ahmad Mubarika Begum Amatul Hafeez Begum |
Ama | Mirza Ghulam Murtaza |
Ina | Chiragh Bibi |
Siya ay malawakang naglakbay sa subkontinenteng Indiyano na nangaral ng kanyang mga ideyang relihiyoso at mga ideyal at nagkamit ng malaking bilang ng mga tagasunod sa kanyang buhay. Siya ay alam na nakisali sa maraming mga debate at mga usapan sa mga Muslim at sa saserdote at pinunong mga Hindu. Itinatag niya ang kilusang Ahmaddiya noong 23 Marso 1889. Ang misyon ng kilousan ayon sa kanya ay ang pagpapalaganap ng Islam sa hindi nadungisang anyo nito.[6]
Si Ghulam Ahmad sumulat ng mga 100 aklat sa ibat' ibang mga isyung relihiyoso, espiritwal at teolohikal.[7] Kanyang itinaguyod ang pagpapalaganap ng Islam at may diing ikinatwiran ang laban sa pangangailangan ng Jihad sa anyong militar nito sa kasalukuyang panahon.[6]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.