From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kristiyanismo at relihiyon sa pangkalahatan ay patuloy na isang mahalagang bahagi ng buhay panlipunan at pangkultura ng Napoles. Ito ang luklukan ng Arkidiyosesis ng Napoles, at ang pananampalatayang Katoliko ay lubos na mahalaga sa mga mamamayan ng Naples at mayroong daan-daang makasaysayang simbahan sa lungsod (bandang limang daan, 1000 ang kabuuan).[1][2] Ang Katedral ng Napoles ay ang pinakamahalagang lugar ng pagsamba sa lungsod, bawat taon kada Setyembre 19 ay itinatanghal ang Milagro ni San Jenaro, ang patron ng lungsod.[3] Sa himala na libo-libong Napolitano ang dumudumog upang saksihan, ang tuyong dugo ni Jenaro ay sinasabing nagiging likido kapag inilapit sa mga labi na sinasabing kabilang sa kaniyang katawan. Ito ang isa sa pinakamahalagang tradisyon para sa mga Napolitano.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.