Mga rione ng Roma
From Wikipedia, the free encyclopedia
Isang rione ng Roma (Italian pronunciation: [riˈoːne], pl. rioni sa pangmaramihan sa Italyano) ay isang tradisyonal na pagkakahating pampangasiwaang panglungsod ng Roma. Ang "rione" ay isang terminong Italyano na ginamit mula pa noong ika-14 na siglo upang pangalanan ang isang distrito ng isang bayan.[1] Ang terminong ito ay nagmula sa Roma, na nagmula sa mga dibisyong pampangasiwaan ng lungsod. Ang salita ay nagmula sa salitang Latin na regio (pl. Regiones, nangangahulugang rehiyon); sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, ang salitang Latin ay naging rejones, kung saan humantong sa Rione. Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga rioni ay matatagpuan sa Municipio I ng Roma.