Unang Pitong Konsilyo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa kasaysayan ng Kristiyanismo, ang Unang Pitóng Konsilyo mula sa Unang Konsilyo ng Nicaea (325 CE) hanggang sa Ikalawang Konsilyo ng Nicaea (787 CE) ay kumakatawan sa pagtatangka ng pag-abot sa isang kasunduang ortodoksiya at upang itatag ang isang nagkakaisang sangkakristiyanuhan (christendom) bílang estadong simbahan ng Imperyong Romano. Ang Silangang Ortodokso, Romano Katolisismo, at Anglikano ay lahat nag-aangkin na ang kanilang kaparian ay bumabakas sa paghaliling apostoliko pabalik sa yugtong ito at sa sinaunang yugtong tinatawag na Sinaunang Kristiyanismo. Gayunpaman, ang mga pagkakasira ng pagkakaisa na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan ay nangyari kahit sa yugtong ito. Tinatanggap ng Assyrian Church of the East ang unang dalawang konseho ngunit itinatakwil ang ikatlo, ang Unang Konseho ng Efeso(431 CE). Ang Konsehong Quinisext(692 CE) na nagtangkang itatag ang Pentarkiya at pangkalahatang hindi itinuturing na isa sa unang pitóng konsehong ekumenikal [1] ay hindi tinatangap ng Romano Katoliko[2] na tumuturing din na marami pang mga konsehong ekumenikal pagkatapos ng unang pitóng ito. Ang panahong ito ay nagsisimula sa Unang Konseho ng Nicaea na naghayag ng Kredong Nicene na nasa orihinal na anyo nito at bílang binago ng Unang Konseho ng Constanstinople noong 381 ay nakikita bílang sukatán ng ortodoksiya sa doktrina ng Trinidad. Sa puntong ito, bagaman ang mga emperador ay tumigil nang tumirá sa Romano, ang simbahan sa siyudad ay nakikita bílang una sa mga iglesia[3] Noong 330, itinatag ni Constantine ang kanyang "Bagong Roma" na naging Constantinople sa Silangang Imperyong Romano. Ang lahat ng mga pitóng konseho ay idinaos sa Silangan sa Anatolia at Constantinople.