Ang Dead Sea Scrolls (Mga Manuskrito ng Dagat Patay, Kastila: Manuscritos del Mar Muerto) o Qumran Caves Scrolls (Mga Rolyo ng Qumran, Kastila: Rollos de Qumrán) ay isang koleksiyon ng mga 972 teksto na naglalaman ng mga aklat ng bibliyang Hebreo gayundin ang mga aklat ng apokripa at iba pang dokumento na natagpuan sa pagitan ng 1947 at 1956 sa Khirbet Qumran sa hilagang-kanluran baybayin ng Dagat Patay sa Palestina, na kasalukuyang tinatawag na Kanlurang Pampang (West Bank).
Ang mga balumbong ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang mga relihiyosong dokumento na natuklasan dahil ito ay naglalaman ng pinakamatandang manuskrito ng Bibliyang Hebreo at nagbibigay ebidensiya ng pagkakaiba ng paniniwalang Hudaismo noong unang siglo BCE. Ang mga manuskritong ito ay isinulat sa Hebreo, Aramaiko at Griego. Bukod dito, karamihan ng mga manuskritong ito ay isinulat sa mga balat ng hayop(parchment) ngunit may ilang mga manuskritong isinulat sa papirus(papel mula sa halaman) at may isang rolyo na isinulat sa isang tanso(copper). Ang mga rolyong ito ay pinaniniwalaang isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE.
Bago ang 1968, ang mga balumbong ito ay nakalagak sa Museong Rockefeller sa Herusalem. Pagkatapos ng Digmaang Anim na Araw (sa pagitan ng Hunyo 5 at 10, 1967), ang mga balumbon at pragmentong ito ay inilipat sa Dambana ng Aklat sa Museo ng Israel.
Ang unang mga litrato ng mga balumbon ay inilabas lamang sa publiko noong 1991 (o 44 taon pagkatapos matuklasan ang unang balumbon) dahil sa pagpipilit na gawing publiko ang mga litrato ng mga balumbong ito.
Noong 1991, ang mga mananaliksik sa Hebrew Union College sa Cincinnati, Ohio na sina Ben Zion Wacholder and Martin Abegg, ay naghayag ng pagkakalikha ng isang software upang muling buuin ang mga teksto ng mga balumbong ito.
Ayon sa karamihan ng mga eskolar, ang mga rolyong ito ay isinulat ng isang sekta ng Hudaismo na tinatawag na Essene sa pagitan ng 150 BCE hanggang 70 CE. Ang mga Essene ay binanggit ng historyador na si Josephus at ni Pliny ang Matanda. Ang mga Essene ay masugid na tagasunod ng Torah (Kautusan ni Moises), mga asetiko (nagmamasid ng kabanalan at tumalikod sa mga gawaing sekular) at tinatawag ang kanilang komunidad na "mga hinirang ng diyos" at isang "bagong tipan". Ilan sa kanilang mga katuruan ang paniniwala sa isang mesiyas na kanilang tinatawag na "Guro ng Katwiran" na sinalungat at pinatay ng "mga anak ng kadiliman", paniniwalang apokaliptiko (malapit ng magunaw ang mundo) at pagmamasid ng pagbabautismo sa mga miyembro nito.
Ang ilang iskolar ay hindi umaayon sa teoryang ito. Halimbawa ayon kay Lawrence H. Schiffman ng Unibersidad ng New York, ang mga balumbong ito ay hindi isinulat ng mga Essene kundi ng mga supling ng Saserdoteng Saduceo na tinatawag na Zadokite. Ayon naman kay Robert H. Eisenman ng Pamantasang Estatal ng California sa Long Beach, ang mga rolyo ito ay isinulat ng mga tagagasunod ng kapatid ni Hesus na si Santiago na pinainiwalaang pinuno ng iglesiang Kristiyano sa Herusalem. Ayon sa eskolar naman na si Norman Golb ng Unibersidad ng Chicago, walang isang grupo ang sumulat ng mga balumbong ito kundi ang mga balumbong ito ay inilapat mula sa mga aklatan sa Herusalem nang maganap ang digmaan noong 66-70 CE.
Ang teksto ng mga balumbon ng Dagat Patay ay isinulat sa apat na magkakaibang mga wika: Ebreo, Aramaiko, Griyego at Nabatean.
Dahil ang mga rolyo ng Patay na Dagat ang pinakamatandang manuskrito ng Tanakh(Lumang Tipan), ang mga rolyong ito ay ikinumpara sa 3 pangunahing manuskrito ng Tanakh, ang Masoretiko, Septuagint, at Samaritan Pentateuch. Ang Masoretiko ang Hebreong bersyon ng Tanakh na ginagamit sa kasalukuyang Rabinikong Hudaismo at basehan ng mga bagong salin ng Lumang tipan ng Bibliya. Ang Septuagint ang saling Griyego ng isang tekstong Hebreo sa pagitan ng 200-100 BCE. Ang Septuagint ay isinalin mula sa tekstong Hebreo na iba sa Hebreo ng Masoretico. Ang Samaritan Pentateuch ay salin ng Hebreong Pentateuch (Henesis, Exodo, Levitico, Deuterenomio, at Mga Bilang) sa alpabetong Samaritano na ginagamit sa relihiyong Samaritanismo. Ayon sa iskolar ng mga Rolyo ng Dagat na Patay na si Lawrence Schiffman, na punong patnugot ng mga balumbon ng Dagat Patay, halos 60% ng mga balumbon ay umaayon sa tekstong Masoretiko, 5% ay umaayon sa Septuagint at 5% ay umaayon sa Samaritan Pentateuch. 10% naman ang hindi umaayon sa 3 manuskritong ito kabilang dito ang matatagpuan sa 4QDeut-b, 4QDeut-c, 4QDeut-h, 4QIsa-c, and 4QDan-a.[9][10][11] Ayon sa ibang eskolar, ang Dead Sea Scrolls ay umaayon lamang sa 40% ng Masoretiko.[12]
Bukod sa mga aklat ng Tanakh at mga aklat ng apokripa o deuterokanoniko (para sa mga Romano Katoliko), ang mga balumbong ito ay naglalaman din ng mga katuruan ng sekta ng Hudaismo na nakatira sa Qumran na tinatawag na Mga Essene sa pagitan ng unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Ayon sa mga eskolar, ito ay nagbibigay ng ebidensiya ng pagkakaiba ng mga paniniwala sa Hudaismo noong unang siglo BKP hanggang unang siglo KP. Ayon din sa mga eskolar, karamihan ng mga katuruan ng Essene ay magkahalintulad sa mga katuruan ng Kristiyanismo (sa Bagong Tipan). Ito ay sumasalungat sa tradisyonal na paniniwalang ang Kristiyanismo ay isang natatangi at walang katulad na relihiyon noong unang siglo KP. May mga teorya ang mga eskolar sa relasyon ng dalawang sektang ito.[13]
Unang kuweba ng Qumran
Ang unang kuweba ay natuklasan noong 1947. Ito ay unang hinukay ni Gerald Lankester Harding at Roland de Vaux mula Pebrero hanggang 5 Marso 1949.
Ang ikalawang kuweba ay natuklasan noong 1952.[14] Ang kwebang ito ay naglalaman ng 300 pragmentaryong(hindi kumpleto) mula sa 33 manuskrito kabilang na ang Jubilees at Karunungan ni Sirach sa wikang Hebreo.
2QGen ("Henesis") = 2Q1
2QExoda ("Exodo") = 2Q2
2QExodb ("Exodo") = 2Q3
2QExodc ("Exodo") = 2Q4
2QpaleoLev (seksiyon ng Levitico 11:22-29 na isinulat sa skriptong Paleo-Hebreo) = 2Q5
2QNuma ("Bilang") = 2Q6
2QNumb ("Bilang") = 2Q7
2QNumc ("Bilang")= 2Q8
2QNumd ("Bilang") = 2Q9
2QDeuta ("Deuterenomyo") = 2Q10
2QDeutb ("Deuterenomyo") = 2Q11
2QDeutc ("Deuterenomyo 10:8-12") = 2Q12
2QJer ("Jeremias") = 2Q13
2QPs ("Awit") = 2Q14
2QJob ("Job" 33:28-30) = 2Q15
2QRutha ("Ruth") = 2Q16
2QRuthb ("Ruth") = 2Q17
2QSir ("Karunungan ni Sirach" o "Ecclesiasticus") = 2Q18
2QJuba ("Jubilees") = 2Q19
2QJubb ("Jubilees") = 2Q20
2QapMoses ("Apokripon ni Moses") = 2Q21
2QapDavid? ("Apokripon ni David") = 2Q22
2QapProph ("Propesiyang Apokripal") = 2Q23
2QNJ ar ("Bagong Jerusalem sa Aramaico") = 2Q24 cf. 1Q32 ar, 11Q18 ar
2Q25 ("Tekstong Huridikal")
2QEnGiants ar ("Aklat ng mga Higante ng Aklat ni Enoch sa Aramaiko) = 2Q26 cf. 6Q8
2Q27-33 (Hindi matukoy na teksto)
Ikatlong kuweba
Ang ikatlong kuweba ay natuklasan noong 14 Marso 1952.[14] Natagpuan sa kwebang ito ang 14 na manuskrito kabilang ang Jubilee, at ang Rolyong Tanso na naglalaman ng mga talaan ng taguang lugar sa buong Judea na naglalaman ng mga ginto, pilak, tanso, aromatiko at mga manuskrito.
3QEzek ("Ezekiel" 16:31-33) = 3Q1
3QPs ("Awit" 2:6-7) = 3Q2
3QLam ("Panaghoy") = 3Q3
3QpIsa ("Pesher ng Isaias") = 3Q4
3QJub ("Jubilees") = 3Q5
3QHymn (Hindi matukoy na himno) = 3Q6
3QTJudah? ("Testamento ni Judah"?) = 3Q7 cf. 4Q484, 4Q538
3Q8 (Hindi matukoy na pragmento)
3Q9 (Hindi matukoy na tekstong sektarian)
3Q10-11 (Hindi matukoy na pragmento)
3Q12-13 (Hindi matukoy na pragmento sa Aramaiko)
3Q14 (Hindi matukoy na pragmento)
3QCopper Scroll ("Balumbong Tanso") = 3Q15
Ikaapat na kuweba
Ang ikaapat na kuweba ay natuklasan noong Agosto 1952, at hinukay mula Setyembre 22–29, 1952 nina Gerald Lankester Harding, Roland de Vaux, at Józef Milik.[15] Ang mga natuklasang manuskrito sa kwebang ito ang bumubuo sa halos siyamnapung porsiyento ng mga rolyo ng Patay na Dagat kabilang na ang 9-10 manuskrito ng Jubilee pati 21 tefillin at 7 mezuzot.
Ang ikalima at ikaanim na kuweba ay natuklasan noong 1952, pagkatapos matuklasan ang ikaapat na kweba. Ang ikalimang kweba ay naglalaman ng halos 25 manuskrito samantalang ang ikaanim na kweba ay naglalaman ng 31 pragmentaryong manuskrito.[15]
6QpaleoGen (seksiyon ng Henesis 6:13-21 na isinulat sa skriptong Paleo Hebreo) = 6Q1
6QpaleoLev (seksiyon ng Levitico 8:12-13 na isinulat sa skriptong Paleo Hebreo) = 6Q2
6Q3 Deuteronomyo
6Q4 Mga Hari
6QCant ("Awit ni Solomon") = 6Q6
6Q7 Daniel
6QpapEnGiants ("Aklat ng mga Higante mula sa Aklat ni Enoch") = 6Q8
6Qpap apSam-Kgs ("Apokripon ni Samuel-Mga Hari") = 6Q9
6QpapProph (Hindi matukoy na pragmentong propetiko) = 6Q10
6Q11 ("Talinghaga ng Baging")
6QapocProph (Propesiyang apokripal) = 6Q12
6QPriestProph ("Propesiya ng Saserdote") = 6Q13
6QD ("Dokumentong Damasco") = 6Q15
6QpapBened ("Bendisyon") = 6Q16
6Q17 Dokumentong kalendrikal
6Q18 Himno
6Q19 Henesis
6Q20 Deuteronomyo
6Q21 Tekstong Propetiko
6Q22-6QX2 Hindi matukoy
6Q23 ("Mga salita ni Arkanghel Miguel") cf. 4Q529
Ikapito hanggang ikasiyam na kuweba
Ang ikapito hanggang ikasiyam na kuweba ay hinukay noong 1957. Ang ikapitong kweba ay naglalaman ng 20 pragmentaryong mga manuskrito na isinulat sa Griyego kabilang ang 7Q2 ("Sulat ni Jeremias" na katumbas ng Baruch sa Biblikal na kanon ng Katolisismo), 7Q5 at manuskrito ng Aklat ni Enoch.[17][18][19] Bukod dito ang ikapitong kweba ay naglalaman din ng mga paso at banga.[20]
Ang ikawalong kuweba ay naglalaman ng 5 pragmentaryo ng Henesis (8QGen), Awit(8QPs), 8QPhyl, mezuzah (8QMez), at himno(8QHymn).[21] Ang ikawalong kuweba ay naglalaman din ng ilang mga kahon ng tefillin, isang kahon ng katad(leather) na bagay, lampara, banga at sapatos na gawa sa katad.[20]
Ang ikasiyam na kuweba ay naglalaman ng kaunti ngunit hindi matukoy na mga pragmentaryo.
Sa ikawalo at ikasiyam ay natuklasan ang ilang buto ng prutas ng datilero.[20][22][23]
8QMez (bahagi ng Deuteronomyo 10:12-11:21 mula sa Mezuzah) = 8Q4
8QHymn (Hindi matukoy na himno) = 8Q5
8QX1 Tabs
8QX2-3 Thongs
Ikasiyam na kuweba
9Qpap (hindi matukoy na dokumento)
Ikasampung kuweba
Ang ikasampu ay naglalaman lamang ng 2 ostracon(isang uri ng paso) na may ilang mga kasulatan dito kasama ng hindi alam na simbolo sa isang gray na tipak ng bato.
Ikalabing-isang kuweba
Ang ikalabing-isang kuweba ay natuklasan noong 1956 at naglalaman ng 21 manuskrito kabilang ang "Rolyo ng Templo"(na tumutukoy sa pagtatayo ng Templo sa Jerusalem), Jubilee, at manuskrito tungkol kay Melchizedek.[24]
Ayon sa dating pangunahing editor ng pangkat editorial ng "Rolyo ng Patay na Dagat", may halos 4 na rolyong pag-aari ng mga pribadong indibidwal na hindi pa nasusuri ng mga eskolar. Kabilang dito ang kumpletong Aramaikong manuskrito ng Aklat ng Enoch.[25]
11QpaleoLeva ("Leviticus" written in palaeo-Hebrew script) = 11Q1
11QpaleoLevb ("Leviticus" written in palaeo-Hebrew script) = 11Q2
Schiffman, Lawrence H. et al. "The Dead Sea scrolls: fifty years after their discovery: proceedings of the Jerusalem Congress, Hulyo 20–25, 1997." 1997.
The Canon Debate, McDonald & Sanders editors, 2002, chapter 6: Questions of Canon through the Dead Sea Scrolls by James C. VanderKam, page 94, citing private communication with Emanuel Tov on biblical manuscripts: Qumran scribe type c.25%, proto-Masoretic Text c. 40%, pre-Samaritan texts c.5%, texts close to the Hebrew model for the Septuagint c.5% and nonaligned c.25%.
Buitenwerf, Rieuwerd, The Gog and Magog Tradition in Revelation 20:8, in, H. J. de Jonge, Johannes Tromp, eds., The book of Ezekiel and its influence, Ashgate Publishing, Ltd., 2007, p.172; scheduled to be published in Charlesworth's edition, volume 9
Baillet, Maurice ed. Les ‘Petites Grottes’ de Qumrân (ed., vol. 3 of Discoveries in the Judean Desert; Oxford: Oxford University Press, 1962), 144–45, pl. XXX.
Puech, Émile, “Sept fragments grecs de la Lettre d’Hénoch (1 Hén 100, 103, 105) dans la grotte 7 de Qumrân (= 7QHén gr),” Revue de Qumran 18 no. 70 (1997).
Wexler, Lior ed. Surveys and Excavations of Caves in the Northern Judean Desert (CNJD) - 1993 (‘Atiqot 41; 2 vols.; Jerusalem: Israel Antiquities Authority, 2002).
Stegemann, Hartmut. "The Qumran Essenes: Local Members of the Main Jewish Union in Late Second Temple Times." Pages 83–166 in The Madrid Qumran Congress: Proceedings of the International Congress on the Dead Sea Scrolls, Madrid, 18–21 Marso 1991, Edited by J. Trebolle Barrera and L. Vegas Montaner. Vol. 11 of Studies on the Texts of the Desert of Judah. Leiden: Brill, 1992.