Mesiyas
Ang tagapagligtas sa isang grupo ng mga tao, karaniwan sa mga relihiyong Abrahamiko / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mesiyas (Ebreo: משיח, mashiaḥ; Kastila: mesías) ay isang salitang Hebreo na may literal na ibig sabihing "ang pinagpahiran" (ng langis) o ang "isang napili".[1] Ito ay isinalin sa Griyego bilang χριστός (chrīstós o Kristo) mula sa pandiwang χρίω na nangangahulugang "pahiran".