Meninghitis
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang meninghitis o meningitis ay isang malalang pamamaga ng proteksyong membrano na tumatakip sa utak at kordong espinal, na kilala bilang meninges kapag pinagsama.[1] Ang pinakakaraniwang sintomas ay lagnat, sakit ng ulo, at paninigas ng leeg.[2] Kabilang sa ibang sintomas ang pagkalito o binagong kamalayan, pagsusuka, at kawalan ng kakayahan na tiisin ang liwanag o malalakas na ingay.[2] Kadalasang nagpapakita ang mga bata ng hindi partikular na sintomas, tulad ng pagkamayamutin, pagkaantok, o mahinang pagkain.[2] Kung mayroong pantal, maaring ipahiwatig nito ang isang partikular na sanhi ng meningitis; halimbawa, ang meningitis na dulot ng bakteryang meningococcal na maaring samahan ng katangian ng pantal.[1][3]
Maaring dulot ang pamamaga ng impeksyon sa bayrus, bakterya o ibang mikroorganismo, at hindi karaniwan dulot ng ilang gamot.[4] Maaring may panganib sa buhay ang meningitis dahil sa kalapitan ng pamamaga sa utak at kordong espinal; sa gayon, inuri ang kondisyon bilang emerhensiyang pangmedisina.[1][5] Isang pagbutas ng lumbar, kung saan pinapasok ang isang karayom sa kanal na espinal upang ikolekta ang sampol ng pluidong sereboespinal (cerebrospinal fluid o CSF), ang maaring tukuyin o hindi tukuyin ang meningitis.[2][5]
Naiiwasan ang ilang anyo ng meningitis sa pamamagitan ng pagbabakuna ng mga bakunang meningococcal, beke, pneumococcal, at Hib.[1] Maaring maging kapaki-pakinabang ang pagbibigay ng mga antibiyotiko sa mga taong may mahalagang pagkakaroon ng ilang uri ng meningitis.[2] Binubuo ang unang paggamot sa malalang meningitis ng kaagarang pagbibigay ng antibiyotiko at minsan, mga gamot kontra bayrus.[2][6] Ginagamit din ang mga corticosteroid upang iwasan ang komplikasyon mula sa labis na pamamaga.[3][5] Maaring magdulot ang meningitis ng seryosong mahabaang kinahinatnan tulad ng pagkabingi, epilepsya, hydrocephalus, o kakulangan sa kognitibo, lalo na kung hindi nagamot kaagad.[1][3]
Noong 2017, nagkaroon ng meningitis ang tinatayang 10.6 milyong katao sa buong mundo.[7] Nagresulta ito ng 288,000 patay—bumaba mula 464,000 patay noong 1990.[8][9] Sa may wastong paggamot, mababa sa 15% ang panganib sa kamatayan sa meningitis dulot ng bakterya.[2] Nangyayari ang mga paglaganap ng meningitis dulot ng bakterya sa pagitan ng Disyembre at Hunyo bawat taon sa lugar ng subsahariyanong Aprika na kilala bilang ang sinturon ng meningitis o meningitis belt.[10] Maaring magkaroon ng maliliit na paglaganap sa ibang lugar sa mundo.[10] Nagmula ang salitang meningitis sa Griyegong μῆνιγξ (meninx), nanganghulugang "membrano", at ang pangmedisinang hulapi na -itis, "pamamaga".[11][12]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.