From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mayonnaise ay isang bandang alternative rock mula sa Pilipinas na may limang miyembro, na pinangungunahan ni Monty Macalino. Nagsimula noong 2002, naging kilala sila nang nanalo sila sa patimpalak na "Red Horse Muziklaban" noong 2004. Isa sa pinakasikat nilang awitin ang "Jopay" na tumutukoy kay Jopay ang dating miyembro ng SexBomb Girls na madalas lumabas sa Eat Bulaga!.
Mayonnaise | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Kalakhang Maynila, Pilipinas |
Genre |
|
Taong aktibo | 2002–kasalukuyan |
Label |
|
Miyembro | Monty Macalino Shan Regalado Carlo Servano Nikki Tirona Keano Swing |
Dating miyembro | Lee Maningas Paga Manikan Poch Villalon Jaztin Mercado Aaron Brosoto Maan Furio |
Nakuha ng banda ang kanilang pangalan sa awitin ng The Smashing Pumpkins na "Mayonaise"[1] at nabuo sila noong 2002 kasama ang mga unang naging kasapi. Mas malawak silang nakilala nang nakuha nila ang Pinakamalaking Premyo (o Grand Prize) sa Red Horse Muziklaban noong 2004 bilang isang banda na may apat na miyembro. Binuo sila nina Monty Macalino (ang punong manunulat ng awitin), Paga Manikan, Lee Maningas at Shan Regalado,[2][3] inilunsad ang kanilang unang album na Mayonnaise, kasama ang unang single na "Jopay", sa pamamagitan ng Sony Music Philippines.[4] Tumutukoy ang awiting "Jopay" kay Jopay, ang noo'y miyembro ng Sexbomb Dancers.[5] Sumunod naman ang single na "Bakit Part 2" na naging sikat sa mga pagpapatugtog sa radyo. Noong 2008, umalis ang bahistang si Lee Maningas upang mangibang bayan sa Estados Unidos at pinalitan siya ni Villalon.
Inilabas namang ang kanilang ikalawang album, ang Pa'no Nangyari Yun?, noong 2006,[6] kasama ang carrier single na "Salamin". Noong 2006 din, muli nilang binuhay (o ni-revive) ang awitin ng VST & Company na "Ipagpatawad Mo" na napasama sa album na kolaborasyon na Hopia Mani Popcorn. Nailabas naman noong March 21, 2008 ang ikatlong album ng Mayonnaise, ang Tersera, na inilabas kasama ang mga single na "Singungaling", "Torres" at "Sakto". Samantalang nailabas ang ikaapat na album na Pula noong 2010 kasama ang carrier single na "Sa Pula, Sa Puti".
Muling naging sikat ang awitin nilang "Jopay" pagkatapos naging viral ito sa Tiktok noong huling 2022 at maagang 2023,[7] na ikinakabit ang paggamit nito sa soundtrack ng pelikula ng 2022 na Ngayon Kaya.[8] Pumasok ang "Jopay" sa tsart ng Billboard na Philippines Songs (Mga Awitin ng Pilipinas), na pumalo ng kabuuang 12 linggo at naabot ang pinakamataas sa blg. 5.[9] Nakatulong ang muling ang pasikat nito dahil sa personalidad ng hatirang pangmadla na si Kosang Marlon na inawit ang "Jopay" sa ibang tono na nakakatawa sa Tiktok. Kinilala naman ng Mayonnaise si Kosang Marlon sa muling pasikat ng "Jopay" at nakipag-jam ang banda kay Kosang Marlon para awitin ang kanta.[10][11][12]
Taon | Nagbigay | Kategorya | Gawang nanomina | Resulta |
---|---|---|---|---|
2007 | MYX Music Awards | Favorite Indie Artist (Paboritong Artistang Malaya) | — | Nominado[13] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.