Ang Mausoleo sa Halicarnassus o Libingan ni Mausolus[lower-alpha 1] (Sinaunang Griyego: Μαυσωλεῖον τῆς Ἁλικαρνασσοῦ; Turko: Halikarnas Mozolesi) ay isang libingan na itinayo sa pagitan ng 353 at 350 BCE sa Halicarnassus (modernong Bodrum, Turkey) para kay Mausolus, na isang katutubong Anatoliano mula Caria at satrap sa Imperyong Akemenida at para sa kanyang asawa-kapatid na si Artemisia II ng Caria. Ang istruktura ay dinisenyo ng mga Griyegong Arkitektong sina Satyros at Pythius ng Priene.[1][2] Ang nakataas na libingan ay hinango sa mga libingan ng kalapit na Lycia, na teritoryong sinakop at isinama ni Mausolus noong c. 360 BCE gaya ng Monumentong Nereid.[3]

Agarang impormasyon Mausoleum at Halicarnassus, Pangkalahatang impormasyon ...
Mausoleum at Halicarnassus
Thumb
Modelo ng Mausoleo sa Halicarnassus, at the Bodrum Museum of Underwater Archaeology.
Thumb
Mausoleo sa Halicarnassus
Lokasyon sa Turkey
Thumb
Mausoleo sa Halicarnassus
Mausoleo sa Halicarnassus (West and Central Asia)
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanGuho
UriMausoleo]
Estilong arkitekturalClassical
Bayan o lungsodHalicarnassus, Imperyong Akemenidad (modernong Bodrum, Turkey)
BansaImperyong Akemenida; modernong Turkey)
Mga koordinado37°02′16″N 27°25′27″E
Binuksan351 BCE
Giniba1494 CE
KliyenteMausolus at Artemisia II of Caria
May-ariArtaxerxes III
TaasApproximately 42 m (138 tal)
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoSatyros at Pythius ng Priene
Iba pang mga tagapagdisenyoLeochares, Bryaxis, Scopas at Timotheus
Isara

Ang Mauselo ay tinatayang may taas na 45 m (148 tal) at may apat na gilid na pinalamutian ng mga relief na iskultural na ang bawat isa ay ng apat ng iskultor na Griyego: Leochares, Bryaxis, Scopas of Paros, at Timotheus.[4] Ang mausoleo ay itinuring na pagwawaging estetiko ni Antipater ng Sidon na tumuring dito na isa Pitong Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig. Ito nawasak sa mga sunod sunod na lindol mula ika-12 hanggang ika-15 siglo.[5][6][7] Ito ang huli ng mga nakaligtas na anim na winasak na kamangha-mangha. Ang salitang mausoleo ay naging kataga para sa libingang nasa ibaba ng lupa.

Mga tala

  1. "Mausoleion" meant "[building] dedicated to Mausolus"; thus, "Mausoleum of Mausolus" is a tautology.

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.