From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga mata[1], busilig[1], o buliga[2] ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag. Iba't ibang uri ng mga madaling-makaramdam na mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba't ibang mga organismo. Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
Malawakang nagkakasanib-sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata: katulad ng pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman (paninging binokular o paninging tila-largabista) sa mga mammal[3]; at nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang pagkakapatung-patong ng mga nasasakop ng pananaw, katulad ng sa mga kuneho at sa mga kamelyon. Karaniwang tumutukoy ang buliga sa kabuoan ng bilog ng mata; samantalang sa harap ng mata o sa buong bilog din ng mata ang busilig.[1][2]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.