![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f4/Mammut_skeleton_Museum_of_the_Earth.jpg/640px-Mammut_skeleton_Museum_of_the_Earth.jpg&w=640&q=50)
Mastodon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mastodon (Griyego: μαστός "suso" at οδούς, "ngipin") ay isang uri ng mamalyang kahawig ng isang elepante, ngunit mayroon itong usli sa mga ngipin na kahawig ng isang utong, na may kaugnayan sa pinagmulan ng pangalan nito, sapagkat nangangahulugan ang mastodon ng "mga ngiping suso (ng babae)".[1] Ito ang ninuno ang pangkasalukuyang elepante. Mayroon ang mastodon ng mahahaba at buhaghag na mga balahibo sa katawan. Mayroon din itong bulaylay o mahabang ngusong katulad ng sa elepante. Isa pang pagkakatulad nito sa elepante ang pagkakaroon ng mahahaba at nakabaluktot na mga pangil. Natagpuan sa maraming mga bahagi ng buong mundo ang mga labi ng mastodon, katulad ng kalansay, mga buto, mga ngipin, mga pangil, at pati na mga buhok o mga balahibo.[2]
Mastodon | |
---|---|
![]() | |
Pinagkabit-kabit at itinayong kalansay ng mastodon sa Museo ng Mundo. | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | †Mammutidae Hay, 1922 |
Sari: | †Mammut Blumenbach, 1799 |
Mga uri | |
|