Masahe
pagmamanipula ng katawan sa pag-uunat at pagpepresyon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang masahe ay paghagod o paghimas ng mga malambot na himaymay ng katawan, kabilang dito ang balat, kalamnan, at kasukasuan.[1][2] Karaniwang ipinangmamasahe ang mga kamay, daliri, siko, tuhod, baraso, paa o isang aparato.[3][4] Pampatanggal ng istres o sakit sa katawan ang mga karaniwang layunin ng masahe.[5][6] Masahista ang tawag sa mga taong nagpadalubhasa sa pagmamasahe.[7]
Sa mga sitwasyong propesyonal, minamasahe ang mga kliyente habang nakahiga sa lamesa, nakaupo sa silya, o nakahiga sa sinapinang sahig.[8] Samut't sari ang mga modalidad sa industriya ng pagmamasahe, kabilang dito ang (ngunit hindi limitado sa): pagdidiin sa kalamnan, pagsasaid ng kulani, medikal, pang-isport, integrasyong estruktural, Suweko, Taylandes at trigger point.[9]