Maryjun Takahashi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Maryjun Arazas Takahashi (高橋メアリージュン, Takahashi Mearījun, ipinanganak 8 Nobyembre 1987) ay isang artista at modelo mula sa bansang Hapon. Siya ay may lahing Pilipino.[1][2][3][4] Lumabas siya sa magasin na CanCam at sa iba't ibang patalastas sa telebisyon.[5]
Agarang impormasyon Kapanganakan, Nasyonalidad ...
Maryjun Takahashi 高橋メアリージュン | |
---|---|
Kapanganakan | Maryjun Takahashi (1987-11-08) 8 Nobyembre 1987 (edad 36) Otsu, Prepektura ng Shiga, Hapon |
Nasyonalidad | Haponesa |
Trabaho | Aktres, modelo |
Aktibong taon | 2004-kasalukuyan |
Website | ameblo.jp/maryjun/ |
Isara
Ipinanganak si Takahashi sa Ōtsu, Shiga[6] sa amang Hapon at inang Pilipino.[7] Mayroon siyang nakakabatang kapatid na babae, si Yu Takahashi, na isa ring modelo at artista, at isang kapatid na lalaki, si Yuji, na isang putbolista.[8][9]