![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/80/Marlee_matlan_2007.jpg/640px-Marlee_matlan_2007.jpg&w=640&q=50)
Marlee Matlin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Marlee Beth Matlin (kapanganakan: 24 Agosto 1965) ay isang aktres mula sa Estados Unidos na napagkalooban ng Academy Award bagaman halos bingi.
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Setyembre 2010) |
Marlee Matlin | |
---|---|
![]() Si Marlee Matlin noong 2007 | |
Kapanganakan | Marlee Beth Matlin (1965-08-24) 24 Agosto 1965 (edad 58) |
Asawa | Kevin Grandalski (1993-) |
Aktibo si Matlin sa pagsali sa ilang bilang ng mga samahang nakikipag-kapwa-tao, kabilang na ang Children Affected by AIDS Foundation, Elizabeth Glaser Pediatric AIDS Foundation, VSA arts, at Red Cross Celebrity Cabinet.[1] Nahirang siya Corporation for National Service ni President Clinton noong 1994 at naging tagapangasiwa ng National Volunteer Week.
Tumanggap si Matlin ng grado ng pagkaduktor na may karangalan para sa mga sulatin pantao (honorary doctorate of humane letters degree) mula sa Pamantasang Gallaudet noong 1987.[2][3] Noong Oktubre 2007, nahirang at napabilang siya sa mga tagapangasiwa (board of trustees) ng Pamantasang Gallaudet.[3]
Naging matalik siyang kaibigan ng aktres na si Jennifer Beals magmula pa noong magkakilala sila sa isang paliparan noong mga dekada ng 1980.[4]
Nagpakasal si Matlin sa pulis na si Kevin Grandalski noong 29 Agosto 1993 (sa bakuran ni Henry Winkler). Mayroon silang apat na mga anak, sina Sara Rose, isinilang noong 19 Enero 1996; Brandon Joseph, ipinanganak noong 12 Setyembre 2000; Tyler Daniel, iniluwal noong 18 Hulyo 2002; at Isabelle Jane, naipanganak noong 26 Disyembre 2003.[kailangan ng sanggunian]