From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Maria Sibylla Merian (2 Abril 1647 – 13 Enero 1717) ay isang Alemang naturalista at mangguguhit na pang-agham, na kaapu-apuhan ng sangay ng Frankfurt na Suwisong mag-anak na Merian, na mga tagapagtatag ng isa sa pinakamalaking bahay-palathalaan sa Europa noong ika-17 daantaon.
Maria Sibylla Merian | |
---|---|
Kapanganakan | 2 Abril 1647 |
Kamatayan | 13 Enero 1717 69) Amsterdam, Republikang Olandes | (edad
Trabaho | Naturalista, mangguguhit na pang-agham, entomologa |
Kilala sa | Dokumentasyon ng metamorposis ng paru-paro, pagguhit na pang-agham |
Natanggap ni Merian ang kaniyang pagsasanay na pangsining mula sa kaniyang ama-amahan na si Jacob Marrel, na isang estudyante ng pintor ng buhay na hindi tumitinag na si Georg Flegel. Nanatili siya sa Frankfurt hanggang sa pagsapit ng 1670, na pagdaka ay lumipat siya sa Nuremburgo, Amsterdam at sa Kanlurang Friesland. Nilathala ni Merian ang kaniyang unang aklat ng mga ilustrasyong likas (guhit ng kalikasan), na pinamagatang Neues Blumenbuch, noong 1675 sa gulang na 28.[1] Noong 1699, pagkatapos ng walong mga taon ng pagpipinta at pag-aaral, at dahil sa panghihikayat ni Cornelis van Aerssen van Sommelsdijck, na noon ay gobernador ng Timog Amerikanong Olandes na kolonya ng Surinam, si Merian ay ginawaran ng isang kaloob ng lungsod ng Amsterdam upang maglakbay sa Surinam na kasama ang kaniyang anak na babaeng si Dorothea.[2] Pagkalipas ng dalawang taon na pagiging naroroon, napilitan siyang magbalik sa Europa bilang resulta ng malaria.[1][2] Pagkaraan ay inilathala niya ang kaniyang pangunahing akdang pinamagatan bilang Metamorphosis insectorum Surinamensium noong 1705, na dahilan ng kaniyang pagiging tanyag. Dahil sa kaniyang maingat na pagmamasid at pagdodokumento ng metamorposis (pagbabagong-anyo) ng paru-paro, itinuring siya bilang nasa piling ng pinakamahahalagang mga tagapag-ambag sa larangan ng entomolohiya.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.