![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/3a/Chad_09_region_locator_map_2008-02.svg/langtl-640px-Chad_09_region_locator_map_2008-02.svg.png&w=640&q=50)
Mao, Chad
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mao (Arabe: مؤ) ay isang lungsod sa Chad at kabisera ng rehiyon ng Kanem at ng Departamento ng Kanem. Ito ang ika-16 na pinakamataong lungsod sa Chad, at matatagpuan ito 226 na kilometro (140 milya) hilaga-hilagang silangan ng N'Djamena. Ang heograpiya ng Mao, na matatagpuan sa hangganan ng Sahara, ay tinatanda ng mga burol ng buhangin at kakaunting behetasyon.
Mao مؤ | |
---|---|
Mga koordinado: 14°07′10″N 015°18′48″E | |
Bansa | ![]() |
Rehiyon | Kanem |
Departmento | Kanem |
Sub-Prepektura | Mao |
Taas | 1,112 tal (339 m) |
Populasyon (2008) | |
• Kabuuan | 19,004 |
Sona ng oras | +1 |
Tulad sa ibang mga rehiyon ng bansa, ang Mao ay pinamumunuan ng kapuwa kinagisnang Sultan[1] at mga opisyal ng pamahalaang sentral. Ang Sultan ng Kanem na nakatira sa Mao ay ang kinagisnang pinuno ng mga Kanembou.[1] Ang mga hakbang tungo sa desentralisasyon ay hinadlangan ng magusot at kung minsan ay maigting na ugnayan sa pagitan ng mga kinagisnang pinuno sa Chad at pambansang maykapangyarihan.